Mga Bersikulo ng Bibliya tungkol sa
Tinatanggap
Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah)
Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananahan sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananahan sa kanya.
At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.
Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.
Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.
Ang magtatagumpay ay magdaramit ng puti, at hindi ko kailanman aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas.
Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag kinilala ninuman ang Anak, kinikilala rin niya ang Ama.
Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan.
Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala.