Mga Bersikulo ng Bibliya tungkol sa
Pag-asa
Sa gitna ng paghihirap, kay Yahweh ay dumalangin. Panginoon, ako'y dinggin kapag ako'y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko't paghingi ng iyong tulong.
Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay; pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)
Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, na walang kasamang kabalisahan.
Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?
hindi sila ang gumapi sa lupain na minana, hindi sila nagtagumpay dahilan sa lakas nila; hindi tabak ang ginamit, ni ginamit na sandata, kundi lakas mo, O Diyos, noong ikaw ang kasama; oo, ito'y ginawa mo pagkat mahal mo nga sila.
Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,” dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag.
Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas.
At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
Batid kong ang Diyos ang siyang tutulong, tagapagsanggalang ko, aking Panginoon.
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw;
Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.
Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’”
Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.
“Ngunit sino ako at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob sapagkat ang lahat ng ito ay galing sa inyo at ibinabalik lamang namin.
Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.
Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya.
Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.”
Di niya ako hahayaang mabuwal, siya'y di matutulog, ako'y babantayan.
Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.
Lumalapit ako sa iyo, Yahweh, upang ingatan; huwag mo sana akong ilagay sa kahihiyan. Ikaw ay isang Diyos na makatuwiran, iligtas mo ako, ito'ng aking kahilingan.
Ingatan mo sana ako, O Diyos, sa iyo ako nanganganlong at nagtitiwalang lubos.
Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
Ibalik mo kami, O Yahweh, Diyos na Makapangyarihan sa lahat; tanglawan mo kami't sa kahabagan mo, kami ay iligtas!
Nang ako'y magipit, ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag; sinagot niya ako't kanyang iniligtas.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas, dinadala araw-araw, ang pasanin nating hawak. (Selah)