Mga Bersikulo ng Bibliya tungkol sa
Nakikinig
Sa gitna ng paghihirap, kay Yahweh ay dumalangin. Panginoon, ako'y dinggin kapag ako'y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko't paghingi ng iyong tulong.
Ngunit para sa akin, kay Yahweh ako mananalig. Hihintayin kong may pagtitiwala ang Diyos na magliligtas sa akin at ako'y kanyang diringgin.
Sinabi ni Yahweh: “Nakahanda akong sagutin ang panalangin ng aking bayan, ngunit hindi naman sila nananalangin. Nakahanda akong magpakita sa naghahanap sa akin, ngunit hindi naman sila naghahanap. Sinasabi ko sa bansang ayaw tumawag sa akin, ‘Narito ako upang ikaw ay tulungan.’
Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.
Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, siya'y nakikinig, ngunit sa mga masasama, siya'y tumatalikod!”
Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim.
Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.
Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin.
Ang sabi niya, “Kung ako ay buong puso ninyong susundin, kung gagawin ninyo ang matuwid at susundin ang aking kautusan at mga tuntunin, hindi ko ipararanas sa inyo ang alinman sa mga sakit na ipinadala ko sa Egipto. Akong si Yahweh ang inyong manggagamot.”
“Kung hindi ninyo ito papakinggan at isasapuso bilang pagpaparangal sa aking pangalan, susumpain ko kayo at ang mga pagpapalang tinatanggap ninyo bilang mga pari. Sa katunayan, sinumpa ko na ang mga iyon, sapagkat hindi ninyo isinasapuso ang aking utos.
Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa.
Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot.
At dahil alam nating pinapakinggan nga niya tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat hinihiling natin sa kanya.
Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik; ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.
Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
“Ang sambahayan ni Juda'y bibigyan ko ng lakas; ang sambahayan ni Jose'y aking ililigtas. Ibabalik ko sila sa dating tirahan; sapagkat sila ay aking kinahabagan, na para bang di ko sila pinabayaan. Ako si Yahweh, ang kanilang Diyos, aking diringgin ang kanilang dalangin.
Si Yahweh lamang ang inyong sundin. Matakot kayo sa kanya at sundin ninyo ang kanyang mga utos. Paglingkuran ninyo siya, at manatili kayong tapat sa kanya.
Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.
Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.
Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”
Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi nakikinig lamang, at pagkatapos ay nakakalimot.
Huwag kayong tumulad sa inyong mga ninuno. Hindi sila nanumbalik sa akin, hindi nila tinalikuran ang kanilang kasamaan sa kabila ng aking mga panawagan sa pamamagitan ng mga propeta.
“Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato.
Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.