Mga Bersikulo ng Bibliya tungkol sa
Nagsisinungaling
Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.
Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan.
Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang, Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang.
Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas. Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.
Ang diyablo ang inyong ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagkat siya'y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan.
Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao. Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin, kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.
“Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan nang dahil sa akin.
Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.
Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin.
Dila mo'y pigilan sa paghabi ng kasamaan.
Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.”
Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw.
Ang nagtatanim ng poot ay puno ng kasinungalingan, ang naninira sa kanyang kapwa ay isang taong mangmang.
Walang maitatago sa bibig ng madaldal, ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.
Kung sinasabi nating tayo'y may pakikiisa sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay ayon sa katotohanan.
Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.
Ilayo mo sa iyong bibig ang salitang mahahalay, ilayo ang mga labi sa kasinungalingan.
Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.
At sinabi rin niya, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos. Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso at ang mga ito ang siyang nagpaparumi sa kanya.”
Ang taong masunurin sa iyo sa lahat ng bagay, at laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita'y bukal sa loob at pawang katotohanan, at ang kapwa'y hindi niya sisiraan. Di siya gumagawa ng masama sa kanyang kaibigan, tungkol sa kapwa'y di nagkakalat ng kasinungalingan.