Mga Bersikulo ng Bibliya tungkol sa
Nagsasalita
Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.
Huwag na kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibinubungang kabutihan. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon. Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa nila nang lihim.
Ang salita ng matuwid ay palaging angkop, ngunit ang salita ng masama ay puro paninira.
Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.
Sa taong di tapat, gawai'y manlinlang, Yahweh, iligtas mo't ako'y isanggalang.
May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”
Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam.
sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.
Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.
Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam.
Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.
Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.
Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.
Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.
Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.
Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.
Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na kumakalampag.
Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko.
Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.
Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim.
Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, ako'y nanghina sa maghapong pagluha.
Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan; ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa, ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.
Ang matalinong pananalita ay nagdudulot ng kasiyahan, at ang salitang angkop sa pagkakataon, may dulot na pakinabang.